Sunday, October 17, 2010

JUETENG or NOT?

a     11:23 AM     1

Isa sa hindi matapos tapos na issue ng ating bansa ay ang JUETENG. Hindi pa yata ako pinapanganak mayron ng jueteng sa bansa. Natatandaan ko pa nooon nung minsan akong tumaya, nanalo ako tuwang tuwa ako noon kasi unang beses ko pa lang naranasan na manalo sa ganong klase ng palaro. Ang jueteng ay parang lotto din kung tutuusin subalit dalawang numero lang ang pwede mong piliin. Hindi naman ganun kalakihan ang taya depende kung magkano ang gusto mo.

Ang hindi ko lang lubos maisip ay kung bakit hindi nila maisakatuparan na gawing legal ang jueteng? O hindi man lang nila magawan ng paraan na mawala ang ganitong klase ng sugal. Hindi kaya dahil sa dami ng mga matataas na pulitikong humahawak dito?

Isa ang jueteng sa dahilan ng pagkakatalsik ng dating pangulong Joseph Ejercito Estrada na sinasabing siya ang utak ng jueteng sa bansa. Ngunit, bakit ng natanggal siya sa kanyang panunungkulan ay narito pa rin at buhay na buhay ang operasyon ng jueteng sa bansa?

Kamakailan lamang ay lumutang ang balitang mayron daw dalawang matataas na posisyon sa Palasyo ang tumatanggap ng malaking halaga galing sa jueteng. Ito ay binanggit ng retiradong Arsobispo na si Oscar Cruz (Head at Co-Founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng (People’s Crusade Against Jueteng). Isiniwalat niya na ang dalawang taong tumatanggap daw ng pera galing sa jueteng ay sina Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno at ang retiradong si Philippine National Police (PNP) chief Director General Jesus Verzosa.

Ang Senadora namang si Miriam Defensor Santiago ay nagsiwalat din ng lahat ng pangalan ng mga pulitikong tumatanggap ng malalaking halaga.

Sinong mag aakala na kung sino pa ang may pinaka-mataas na tungkulin sa gobyerno ay sila pa itong gumagawa ng kalokohan? Hindi na rin nakakapagtaka na marami sa atin ang gustong makapasok sa pulitika. Kung tutuusin gasino lang ang sweldo ng mga pulitkong ito. Ngunit bakit marami pa rin ang gustong makapasok? Dahil nga ba sa gusto nilang makatulong sa bansa? O gusto nilang tulungan sila ng bansa?

Isa lang ang naiisip kong solution sa problemang ito. Gawing legal ang larong jueteng upang ang makinabang ay ang mga taong bayan("sana") at hindi kubrahin ng mga ilang tiwaling pulitiko. Hindi naman dahil sa nanalo ako dati, ito ay isa lang mungkahi ng isang mamayang umaasa na may pagbabago pa.

Friday, October 15, 2010

Bagyong MEGI parating na!

a     10:23 AM     2
Meron na namang isang parating na malakas na bagyo. At sinasabi na ito ay tinatayang hihigit pa sa lakas ng bagyong ONDOY.

Ayon sa PAGASA ang bagyong MEGI ay darating sa bansa ng hating gabi o sa madaling araw.

Ang bagyong MEGI ay huling nakita mahigit 1,000 kilometro kanlurang bahagi ng katimugang luzon na may taglay ng hangin na 105 kilometro kada oras.

Si MEGi ay tumatahak ng pa-hilaga-kanluran. Inaasahan na magkakaroon ng pagguho ng mga lupa sa Cagayan-Isabela area sa lunes ng hapon.

Pinagpayuhan ng PAGASA ang publiko at ang mga lokal gobyerno na maghanda at magsagawa ng mga pagiingat.

Ang lahat ay pinapayuhan lalong lalo na ang mga mangingisda o ang mga bibiyahe na subaybayan ang balita ukol sa bagyong MEGI.

Handa na kaya ang gobyerno kung sakaling maulit ang ONDOY? Sapat na ba ang mga kagamitan para sa pagsaklolo sa mga kababayan natin na masasalanta? O hindi kaya kinurakot na naman ng mga buwayang pulitiko ang budget para dito?!

Kung ako sa inyo huwag na kayong umasa. Gawin ninyo ang nararapat at magtabi na ng mga pagkain at isa-ayos na ninyo ang inyong mga kagamitan.

E-mail Newsletter

Sign up now to receive updates from us.

Accordion Menu

Facebook Profile

Popular Posts

Popular Posts

Social

© 2014 Pilipinas Ngayon. Designed by Bloggertheme9 | Published By Gooyaabi Templates.
Proudly Powered by Blogger.